Tagapagsalitang Tsino: dapat magbuklud-buklod para harapin ang hamon sa pagbangon ng kabuhayang panrehiyon

2021-08-09 15:52:03  CMG
Share with:

Nang sagutin ang tanong ng mamamahayag hinggil sa serye ng mga pulong ng mga ministrong panlabas ng Tsina, sinabi nitong Sabado, Agosto 7, 2021 ni Tagapagsalita Hua Chunying ng Ministring Panlabas ng Tsina, na ipinalalagay ng iba’t ibang panig na malinaw na may ibat-ibang agwat ang pagbangon ng kabuhayang panrehiyon, at madalas na lumilitaw ang iba’t ibang bagong hamon.
 

Dapat aniyang palalimin ang kooperasyon, at pataasin ang kakayahan sa pagharap sa krisis ng mga bansa sa rehiyon.
 

Samantala, dapat kumpletuhin ang mekanismo, pataasin ang resilience at kasiglahan ng kooperasyon, at pangalagaan ang matatag at masaganang situwasyon, dagdag niya.
 

Ayon kay Hua, inihayag ni Wang Yi, Kasangguni ng Estado at Ministrong Panlabas ng Tsina, ang kahandaan ng Tsina na komprehensibong buuin, kasama ng Association of Southeast Asian Nations (ASEAN), ang bagong kayarian ng kooperasyon ng kapuwa panig tungo sa komprehensibong pagbangon.
 

Aktibong isasaalang-alang din aniya ng panig Tsino ang pagtatayo ng organo ng kooperasyong pangkaunlaran sa mga bansang ASEAN.
 

Salin: Vera
 

Pulido: Rhio

Please select the login method