IPCC: magiging mas malubha ang pagbabago ng klima sa hinaharap

2021-08-10 16:42:01  CMG
Share with:

Ayon sa pinakahuling ulat na pinamagatang “Pagbabago ng Klima sa 2021: Batayang Physical Sciences” na inilabas kahapon, Agosto 9, 2021, sa Geneva ng Intergovernmental Panel on Climate Change (IPCC) ng United Nations (UN), dapat agarang isagawa ang pagbabawas ng emisyon ng carbon dioxide at iba pang greenhouse gases.

 

Kung hindi, magiging mahirap ang paglimita sa global warming limit sa loob ng 1.5°C o maging sa 2°C.

 

Tinaya ng ulat na sa darating na ilang pung taon, magiging mas malubha ang pagbabago ng klima sa lahat ng rehiyon ng mundo.

 

Nang kapanayamin ng mamamahayag ng CMG nang araw rin iyon, lubos na pinapurihan ng Hoesung Lee, Tagapangulo ng IPCC, ang mahalagang papel na ginampanan ng Tsina sa pagbuo ng naturang ulat.

IPCC: magiging mas malubha ang pagbabago ng klima sa hinaharap_fororder_02

Iginagalang din niya ang lahat ng pagsisikap ng Tsina sa pangangalaga ng klima.

 

Salin:Sarah

Pulido:Mac

Please select the login method