Muling hinimok nitong Linggo, Hunyo 13, 2021 ni Pangkalahatang Kalihim Antonio Guterres ng United Nations (UN) ang mga maunlad na bansa, lalong lalo na, ang mga bansa ng G7, na ipatupad ang pangako hinggil sa pagkakaloob ng 100 bilyong dolyares na climate fund sa mga umuunlad na bansa tuwing taon.
Ipinagdiinan niyang mahalagang-mahalaga ang nasabing pangako para sa pagtatatag ng pagtitiwalaan ng iba’t ibang panig, at pagsasakatuparan ng target ng aksyon ng klima sa Paris Agreement.
Sinang-ayunan naman ni Zhang Jun, Pirmihang Kinatawan ng Tsina sa UN ang kuru-kuro ni Guterres. Diin niya, hanggang sa kasalukuyan, hindi natupad ng mga maunlad na bansa, lalong lalo na, ng mga bansa ng G7, ang naturang pangako – bagay na malubhang humahadlang sa pagsasakatuparan ng target ng aksyon ng klima.
Aniya, ito ay seryosong isyung dapat harapin at lutasin sa ika-26 komperensya ng mga signataryong panig ng United Nations Framework Convention on Climate Change.
Salin: Vera
Pulido: Rhio