Ayon sa estadistika mula sa Philippine Statistics Authority (PSA), nitong nakaraang ikalawang kuwarter ng taong 2021, lumaki ng 11.8% ang kabuuang halaga ng Gross Domestic Product (GDP) ng Pilipinas kumpara sa gayon din panahon ng tinalikdang taon.
Ito ang pinakamalaking paglaki ng GDP ng Pilipinas sapul noong ika-4 na kuwarter noong 1988.
Ipinakikita nito ang katapusan nang pagbaba ng kabuhayan ng Pilipinas nitong nakaraang magkakasunod-sunod na 5 kuwarter.
Samantala, ipinahayag Agosoto 10, 2021, ni Karl Kendrick Chua, Puno ng National Economic and Development Authority (NEDA), na ang naturang estadistika ay lubos na nagpakita na isinakatuparan din ng pamahalaan ang pagbangon ng kabuhayan, sa kasabay ng paglaban sa Corona Virus Disease 2019 (COVID-19) pandemic.
Salin:Sarah
Pulido:Mac