Karagdagang 100 libong dosis ng bakuna kontra COVID-19 na gawa ng Sinopharm, ibinigay ng UAE sa Pilipinas

2021-08-11 15:07:02  CMG
Share with:

Karagdagang 100 libong dosis ng bakuna kontra COVID-19 na gawa ng Sinopharm, ibinigay ng UAE sa Pilipinas_fororder_微信截图_20210811151608

 

Sandaang libong (100,000) dosis ng bakuna kontra COVID-19 na gawa ng Sinopharm ang ipinadala ngayong hapon, Miyerkules, Agosto 11, 2021 sa Pilipinas.

 

Ito ay donasyon mula sa pamahalaan ng United Arab Emirates (UAE).

 

Sa preskon makaraang lumapag ang eroplanong lulan ang naturang bakuna, sa ngalan ng pamahalaang Pilipino, ipinahayag ni National Task Force (NTF) Against COVID-19 Asec. Wilben Mayor ang pasasalamat sa UAE. Makakatulong aniya ang donasyong bakuna sa pagpapalakas ng pambansang pagbabakuna ng Pilipinas, lalo na sa kasalukuyang panahon kung kailan tinatamaan ang bansa ng Delta variant.

 

Karagdagang 100 libong dosis ng bakuna kontra COVID-19 na gawa ng Sinopharm, ibinigay ng UAE sa Pilipinas_fororder_24166

 

Ani Mayor, ang nabanggit na donasyong bakuna ay mayroong  Emergency Use Authorization (EUA) mula sa Food and Drug Administration.

 

Ayon sa NTF, ito ay hiwalay sa isang milyong donasyong bakuna ng Sinopharm mula sa Tsina, na nakatakdang darating sa Pilipinas sa Agosto 21, 2021.

 

Ang bakuna, na kilala rin bilang Sinopharm-HayatVax, ay  Chinese Sinopharm vaccine na ginawa ng UAE.

 

Upang magkasamang tugunan ang pandemiya, pinayagan ng Sinopharm ang partners sa UAE at iba pang mga bansa para gawin ang mga bakuna sa loob ng mga katuwang na bansang dayuhan. 

 

Edit:Jade

Pulido: Mac

Larawan: Screen shot ng PTV live 

Please select the login method