CMG Komentaryo: Hakbang ng Lithuania na lampas sa redline ng Tsina, dapat iwasto

2021-08-12 11:36:05  CMG
Share with:

CMG Komentaryo: Hakbang ng Lithuania na lampas sa redline ng Tsina, dapat iwasto_fororder_20210812Lithuania

Dahil sa pagtalikod ng Lithuania sa diwa ng komunike hinggil sa pagtatatag ng relasyong diplomatiko sa Tsina, at pagpayag nito sa pagtatayo sa bansa ng "representative office" sa ngalan ng “Taiwan,” ipinatalastas Martes, Agosto 10, 2021 ng panig Tsino ang pagpapabalik ng embahador nito na nakatalaga sa Lithuania.
 

Bukod dito, hiniling din ng Tsina sa pamahalaang Lithuanian na pauwiin ang embahador na nakatalaga sa Tsina.
 

Ang naturang pambihirang aksyong diplomatiko ay nagpapadala ng malinaw na impormasyon: tiyak na haharapin ng sinumang lalampas sa redline ng Tsina kaugnay ng pangangalaga sa soberanya at kabuuan ng teritoryo ang ganting hakbangin.
 

Matatandaang pagpasok ng taong ito, madalas ang pakikipag-ugnayan ng Lithuania sa awtoridad ng Taiwan, at walang tigil na gumawa ng probokasyon laban sa Tsina.
 

Ang pagpapauwi ng Tsina sa embahador nito sa Lithuania ay isang kinakailangan at lehitimong aksyon sa pagtatanggol ng nukleong interes ng bansa, at ito rin ay solemnang pagkabahala sa mga bansang may katulad na tangka na gaya ng Lithuania.
 

Sa katunayan, lubos na dumedepende sa Amerika ang Lithuania. Pagkaraang manumpa sa tungkulin ang kasalukuyang pamahalaang Amerikano, madalas na nilalaro ng Lithuania ang “Taiwan card,” upang magpapogi sa panig Amerikano, at upang magkamit ito ng benepisyo mula sa Amerika.
 

Pero, tila yata lumabis ang pagtasa ng Lithuania sa sariling kahalagahan at kakayahan.
 

Dapat malaman ng panig Lithuanian na mapanganib ang pagkuha ng pakinabang sa pamamagitan ng pakikipaglaro ng apoy sa malalaking bansa, at madali itong makapinsala sa sariling kapakanan.
 

Dapat agarang iwasto ng Lithuania ang maling desisyon, at isagawa ang konkretong hakbangin, para maiwasan ang masamang epekto sa sarili.
 

Hinding-hindi mahahadlangan ng sinuman at anumang puwersa ang tunguhin ng panahon sa reunipikasyon ng magkabilang pampang ng Taiwan Strait.
 

Salin: Vera
 

Pulido: Rhio

Please select the login method