Sa kabila ng paulit-ulit na representasyon ng panig Tsino, inanunsyo ng pamahalaan ng Lithuanian ang desisyong payagan ang pagtatayo ng awtoridad ng Taiwan ng "representative office", sa ngalan ng “Taiwan.”
Lantarang lumabag ito sa diwa ng komunike hinggil sa pagtatatag ng relasyong diplomatiko ng Tsina at Lithuania, at malubhang nakapipinsala sa soberanya at kabuuan ng teritoryo ng Tsina.
Inihayag ng pamahalaang Tsino ang buong tatag na pagtutol dito, at ipinasiyang pabalikin sa bansa ang embahador na nasa Lithuania.
Hiniling din ng Tsina sa pamahalaang Lithuanian na pauwiin ang embahador na nakatalaga sa Tsina.
Solemnang binabalaan ng panig Tsino ang panig Lithuanian na iisa lang ang Tsina sa buong daigdig, at ang pamahalaan ng Republika ng Bayan ng Tsina ay ang siyang tanging lehitimong pamahalaang kumakatawan sa Tsina.
Hinimok ng Tsina ang Lithuania na agarang iwasto ang maling desisyon, at isagawa ang konkretong hakbangin, para maiwasan ang masamang epekto.
Binabalaan din ng Tsina ang awtoridad ng Taiwan na dead end ang umano’y “pagsasarili ng Taiwan,” at hinding hindi magtatagumpay ang tangkang isagawa ang mapangwatak na aktibidad sa daigdig.
Salin: Vera
Pulido: Mac