Agosto 11, 2021, Vientiane, Laos - Sa seremonya ng pagsalubong ng bakuna kontra Corona Virus Disease 2019 (COVID-19) na ipinagkaloob ng Tsina sa Laos, ipinahayag ni Phankham Viphavanh, Punong Ministro ng nasabing bansa, na napakahalaga ang tulong na bakunang ipinagkaloob ng Tsina upang mapigilan at makontrol ang paglaganap ng pandemiya sa Laos.
Aniya, lubos nitong ipinakikita ang komprehensibong estratehikong partnership ng dalawang panig at tumitibay nang tumitibay na komunidad na may pinagbabahaginang kapalaran ng dalawang bansa.
Sinabi rin niya na, sa pamamagitan ng aktuwal na aksyon, walang humpay na pinapalalim ng Tsina ang pandaigdigang kooperasyon sa paglaban sa COVID-19, at ibinigay ang ambag para sa pagtatayo ng komunidad na may pinagbabahaginang kalusugan ng buong sangkatauhan.
Samanatala, sinabi naman ni Jiang Zaidong, Embahador ng Tsina sa Laos, na palagiang priyoridad ng Tsina ang pakikipagkooperasyon sa Laos sa paglaban sa COVID-19.
Naipagkaloob na ng Tsina sa Laos ang mahigit 2.9 milyong dosis na bakuna, at nakatakdang ipagkaloob pa ang bagong batch na bakuna at materyal sa lalo madaling panahon.
Salin:Sarah
Pulido:Rhio