Matatag na tunguhin ng kabuhayang Tsino, magpapatuloy

2021-08-16 16:17:49  CMG
Share with:

Ayon sa estadistikang ipinalabas Agosto 16, 2021, ng Pambansang Kawanihan ng Estadistika ng Tsina, lumaki ng 6.4% ang industrial added value above designated size ng Tsina kumpara sa gayon ding panahon ng tinalikdang taon.

 

Samantala, umabot naman sa 3.49 trilyong yuan RMB ang kabuuang benta ng konsyumer na produkto, na lumaki ng 8.5% kumpara sa gayon ding panahon ng tinalikdang taon.

 

Kaugnay nito, ipinahayag ni Xu Hongcai, Pangalawang Direktor ng Komisyon sa Patakarang Pangkabuhayan ng China Association of Policy Science, magpapatuloy ang matatag na tunguhin ng kabuhayang Tsino sa kabuuan.

 

Aniya, ang pagpapataas ng pangangailangang panloob ay nananatiling mahalagang gawain sa susunod na yugto.

Matatag na tunguhin ng kabuhayang Tsino, magpapatuloy_fororder_jingji

Salin:Sarah

Pulido:Rhio

Please select the login method