Halaga ng kalakalang panlabas ng Tsina mula Enero hanggang Hulyo, lumaki ng 35.1%

2021-08-07 16:46:36  CMG
Share with:

Ayon sa estadistikang inilabas ngayong araw, Agosto 7, 2021, ng Pangkalahatang Administrasyon ng Adwana ng Tsina, mula Enero hanggang Hulyo ng taong ito, umabot sa 3.3 trilyong dolyares ang kabuuang halaga ng kalakalang panlabas ng Tsina, at ito ay mas malaki nang 35.1% kumpara sa halaga ng gayun ding panahon ng nagdaang taon.

 

Kabilang dito, ang halaga ng pagluluwas noong Hulyo ay lumaki ng 19.3% kumpara sa halaga noong Hulyo ng nagdaang taon. Ang halaga naman ng pag-aangkat ay mas malaki nang 28.1%.

 

Ang kapwa bahagdan ng paglaki ay mas mababa kaysa pagtaya ng mga dayuhang institusyong pinansyal.

 

Samantala, ang Association of Southeast Asian Nations (ASEAN) ay nananatiling pinakamalaking trade partner ng Tsina.

 

Kasunod ang Unyong Europeo, Amerika, at Hapon.

 

Editor: Liu Kai
Pulido: Mac Ramos

Please select the login method