Ipinahayag sa Kabul nitong Martes, Agosto 17, 2021 ni Tagapagsalita Zabihullah Mujahid ng Taliban na may plano nang magbuo ng isang inklusibong pamahalaan sa Afghanistan.
Sa unang preskong idinaos pagkatapos ng pagpasok ng Taliban sa Kabul, ipinahayag ni Mujahid na magkakaroon ng isang malakas na pamahalaang Islamiko ang bansa.
Umaasa aniya ang Taliban na mapapanatili ang mainam na relasyon sa iba’t-ibang panig para mapaunlad ang kabuhayan at maisakatuparan ang kasaganaan ng estado.
Ipinapangako aniya ng Taliban na isasagawa ang amnestiya sa lahat ng trabahador ng pamahalaan at miyembro ng tropang panseguridad ng bansa.
Hindi ito gaganti sa sinuman, diin pa niya.
Salin: Lito
Pulido: Rhio