Itinaguyod nitong Lunes, Agosto 16, 2021 ng United Nations Security Council (UNSC) ang pangkagipitang pulong hinggil sa kalagayan ng Afghanistan.
Sa pahayag na inilabas pagkatapos ng pulong, nanawagan sa iba’t ibang panig ng Afghanistan na agarang itigil ang lahat ng mga ostilong aksyon, at itatag ang isang nagkakaisa, inklusibo at representatibong bagong pamahalaan na maaaring lubos, pantay-pantay at may katuturang lahukan ng mga kababaihan, sa pamamagitan ng inklusibong talastasan.
Anang pahayag, dapat panatilihin ang pagpapatuloy ng mga sangay ng pamahalaan at panindigan ang mga obligasyong pandaigdig ng Afghanistan, at igarantiya ang seguridad ng mga mamamayan ng Afghanistan at ibang bansa.
Inulit din ng pahayag ang kahalagahan ng pagbibigay-dagok sa terorismo sa Afghanistan.
Anang pahayag, dapat igarantiyang ang teritoryo ng Afghanistan ay hindi gagamitin para sa pagbabanta at pag-atake sa ibang bansa, at hindi dapat suportahan ng Taliban at ibang grupo at indibiduwal na Afghan ang mga terorista ng ibang bansa.
Salin: Vera
Pulido: Mac