Tsina, pananatilihin ang pakikipag-ugnayan at pakikipagkoordina sa mga kaukulang panig tungo sa pagtigil ng digmaan sa Afghanistan

2021-08-18 16:16:03  CMG
Share with:

Kaugnay ng kalagayan sa Afghanistan, inihayag nitong Martes, Agosto 17, 2021 ni Tagapagsalita Hua Chunying ng Ministring Panlabas ng Tsina na batay sa lubos na paggalang sa soberanya ng Afghanistan at mithiin ng iba’t-ibang paksyon sa loob ng bansa, pinapanatili ng panig Tsino ang ugnayan sa Taliban, at lagi rin nitong pinapatingkad  ang konstruktibong papel para sa pagpapasulong ng pulitikal na solusyon sa isyu ng Afghanistan.
 

Aniya, pananatilihin ng panig Tsino ang pakikipag-ugnayan at pakikipagkoordina sa iba’t-ibang kaukulang panig, upang mapasulong ang pagtigil ng digmaan sa Afghanistan sa lalong madaling panahon, tungo sa pagsasakatuparan ng pangmatagalang kapayapaan.
 

Sa kasalukuyan, umuurong ang mga diplomata at mamamayang dayuhan mula sa Afghanistan.
 

Umaasa si Hua na isasagawa ng kaukulang panig ang mabisang hakbangin, para igarantiya ang seguridad at lehitimong karapatan at kapakanan ng mga mamamayang Afghan at mga tauhang dayuhan sa Afghanistan, ipagkaloob ang kinakailangang ginhawa sa pag-urong ng mga tauhan, at maayos at ligtas na pasulungin ang kaukulang gawain, lalung-lalo na, ang pag-iwas sa pagkitil ng buhay.
 

Salin: Vera
 

Pulido: Rhio

Please select the login method