Teorya ng “lab leak,” pinabulaanan ng mga siyentista mula sa ibat-ibang bansa

2021-08-22 13:05:03  CMG
Share with:

Ipinalabas kamakailan sa magasing “Cell” ng Amerika ang isang artikulo tungkol sa paghahanap sa pinagmulan ng corona virus na magkakasanib na sinulat ng mga siyentista ng ibat-ibang bansa.

Ang artikulo ay ginawa ayon sa umiiral na siyentipikong ebidensya, at ito ay mahalagang pagtasa mula sa mga kaukulang ekspertong nakatuon sa corona virus origin tracing.

Matatag na pinabulaanan ng artikulo ang “lab leak” conspiracy theory na ipinipilit isulong ng ilang politikong Amerikano.

Tinukoy pa nitong ang pinaka-posibleng pinagmulan ng pagkalat ng virus ay transmisyon mula hayop papunta sa tao.

Kabilang sa mga siyentistang sumulat ng nasabing artikulo ay sina Edward Holmes, mula sa University of Sydney ng Australia; Stephen Goldstein, mula sa University of Utah ng Amerika; Angela Rasmussen, mula sa University of Saskatchewan ng Kanada; at iba pa.

Matatandaang noong unang dako ng nagdaang buwan, ipinalabas ang preprint na bersyon ng nasabing artikulo sa Zenodo, isang bukas na plataporma ng siyentipikong datos.


Salin: Lito
Pulido: Rhio

Please select the login method