“Lab leak” theory, taliwas sa komong kamalayan at siyentipikong kalakaran—Pambansang Komisyon ng Kalusugan ng Tsina

2021-07-22 16:19:57  CMG
Share with:

Sa news briefing Huwebes, Hulyo 22, 2021, sinabi ni Zeng Yixin, Pangalawang Direktor ng Pambansang Komisyon ng Kalusugan ng Tsina na ang teoryang “ang coronavirus ay inilabas mula sa laboratoryo” ay hindi lamang taliwas sa komong kamalayan, kundi salungat din sa siyentipikong kalakaran.
 

Aniya, hanggang sa kasalukuyan, walang kawani at graduate student sa Wuhan Institute of Virology (WIV) ang nahawahan ng coronavirus.
 

Hindi isinagawa ng WIV ang Gain-of-Function experiment hinggil sa coronavirus at wala ring umano’y artificial virus, dagdag niya.
 

Salin: Vera
 

Pulido: Rhio

Please select the login method