Kaugnay ng teoryang “pagtagas ng coronavirus mula sa laboratoryo ng Wuhan” na pilit pinapalaki ng ilang kanluraning media, inihayag kamakailan ni Gabriel Gras, dalubhasang Pranses na kasali sa konstruksyon at akreditasyon ng Wuhan Institute of Virology (WIV) na walang kredibilidad ang nasabing teorya.
Aniya, ang konstruksyon at takbo ng nasabing laboratoryo ay angkop sa napakahigpit na pamantayan.
Kung siyensiya ang pag-uusapan, imposible ang pagtagas ng coronavirus mula sa Bio-Safety Level-4 lab, at ang ganitong teorya ay lilikha lamang ng kaguluhan, diin pa niya.
Salin: Vera
Pulido: Rhio