Kuwento ni Rong Zhixing

2021-08-24 14:40:11  CMG
Share with:

Sa programa ngayong araw, ibabahagi ko sa inyo ang kuwento ng isang kilalang soccer player ng Tsina na si Rong Zhixing.
 

Ipinanganak siya noong ika-30 ng Hulyo, 1948, sa loob ng isang passenger liner, habang nagbibiyahe ang kanyang ama na isang diplomata at ina patungong Bombay, India.
 

Pagkatapos ng misyon ng ama ni Rong Zhixing sa India, bumalik sa Guangzhou, lunsod sa katimugan ng Tsina, ang buong pamilya ni Rong.
 

Napansin ng isang coach sa lokalidad na si Lu Jianzhu ang talento ni Rong Zhixing sa paglalaro ng putbol, habang naglalaro siya, kasama ng mga batang lalaki, sa kalye ng kanyang tirahan.
 

Inihandog ni Lu ang isang espesyal na paligsahan para subukin ang kakayahan ni Rong sa paglalaro ng putbol.

Kuwento ni Rong Zhixing_fororder_20210824RongZhixing3

Pagkatapos ng nasabing paligsahan, inanyayahan ni Lu si Rong Zhaoxing na mag-aral sa amateur sports school na pinagtatrabahuhan niya, at sa gayo’y sinimulan ng 10 taong gulang na si Rong ang kanyang karera bilang isang football player.
 

Noong 1969, sumapi si Rong Zhixing sa koponang probinsyal ng Guangdong, sa edad na 21.
 

Noong Mayo ng 1971, dumalaw sa Tsina ang grupo ng putbol ng Cuba. Sa pananatili sa Guangzhou, ginanap ang palaro sa pagitan ng koponan ng Guangdong at ng Cuba.
 

Sa panahong iyon, di-kilala si Rong Zhixing, pero kamangha-mangha ang kanyang naging laro sa nasabing kompetisyon.
 

Isang taon pagkatapos ng palarong ito, matagumpay na pumasok si Rong sa pambansang team, sa edad na 24.
 

Sa palaro laban sa Kuwait sa panahon ng group matches ng Ika-12 FIFA World Cup, kahit may sugat sa bukung-bukong, si Rong Zhixing ay nanatili pa ring nakapokus sa pagdepensa sa mga kalaban.
 

Pagkaraang matagumpay na umiwas siya sa isang double team, naging empty goal ang kalaban, at napakadali para kay Rong na mag-score. Pero napatigil niya ang paglalaro, para suriin ang kondisyon ng dalawang natumbang kalaban.
 

Pumalakpak at sumigaw ang mga manonood para sa ganitong kilos ni Rong, at siya ay dapat tawaging bayani sa puso ng mga mamamayang Tsino.

Kuwento ni Rong Zhixing_fororder_20210824RongZhixing2

Pagkatapos ng palaro, nagkomento ang isang local media na sa gitna ng masiglang atmosperang pampalakasan, nakapagtimpi ang manlalarong Tsino na si Rong Zhixing. Pagkaranas ng paulit-ulit na magaslaw na pag-atake ng mga kalaban, ipinakita rin niya ang sariling kalooban at magandang pag-uugali.
 

Pagkaraang magretiro sa kanyang karera bilang football player, pumasok si Rong Zhixing sa unibersidad para mag-aral, at nanungkulan bilang pangalawang tagapangulo ng Samahan ng Putbol ng Tsina pagkatapos nito.
 

Sa kanyang buong karera ng paglalaro ng putbol, wala siyang natanggap na yellow card at red card.
 

Dahil sa magaslaw na atake at depensa ng mga kalaban, nakikita ang maraming sugat sa kanyang mga paa, subalit hindi kailanma'y ginamit niya ang mga maruming paraan.

Kuwento ni Rong Zhixing_fororder_20210824RongZhixing1

Ang kanyang moralidad sa soccer filed ay tinatawag ng mga Chinese fans bilang “moda ni Zhixing.” Nagsilbi rin itong modelo ng sirkulo ng putbol ng Tsina.
 

Saad ni Rong, ang pinakamagandang paraan ng pagpapasuko ng mga kalaban ay pagpapapasok ng bola sa goal ng kalaban.
 

Salin: Vera
 

Pulido: Mac

Please select the login method