Sa ilalim ng temang “Magkasabay ang Lakas ng Katawan at Olimpiyada,” ipinagdiriwang ngayong araw, Agosto 8, 2021 sa Tsina ang National Fitness Day.
Kaugnay nito, isa sa mga pangunahing tagapagtaguyod, praktisyoner at tagasunod ng palakasan ay Pangulong Xi Jinping ng Tsina.
Minsa’y sinabi niyang ang pambansang kalusugan at lakas ng katawan ay pundasyon at garantiya sa lakas ng katawan at malusog na pamumuhay ng lahat ng mga mamamayan.
Aniya, ang pagkakaroon ng malusog na katawan ng mga mamamayan ay mahalagang nilalaman ng komprehensibong pagtatatag ng may kaginhawahang lipunan, at mahalagang pundasyon ng paglaki at pagkakaroon ng maligayang pamumuhay ng bawat tao.
Salin: Lito
Pulido: Rhio