CMG Komentaryo: Prospek ng Hong Kong sa hinaharap, maganda

2021-08-24 15:19:37  CMG
Share with:

Idinaraos ngayon sa Espesyal na Rehiyong Administratibo ng Hong Kong (HKSAR), ang sanggunian kaugnay ng Ika-14 Panlimahang Taong Plano, na magkakasamang itinayugod ng Tanggapan sa mga Suliranin ng HKSAR at Macou ng Konseho ng Estado ng Tsina, Pambansang Komisyon ng Tsina sa Pag-unlad at Reporma, Ministri ng Siyensiya at Teknolohiya ng Tsina, People’s Bank of China at iba pang may kinalamang departamento.

 

Sa Ika-14 Panlimahang Taong Plano ng Tsina, binigyan-diin na dapat pabilisin ang pagtatayo ng bagong estruktura ng “dual circulation” kung saan gumaganap ang ang pagpapasigla ng domestikong na ekonomiya ang nangungunang papel, samantala ang pandaigdigang ekonomikong kalakalan ay naging ekstensyon at supplemento nito.

 

Sa bagong estrukturang ito, ang Hong Kong ay dapat aktibong sumali sa domestikong ekonomikong kalakalan at magpapasulong ng pandaigdigang ekonomikong kalakalan, para magdulot ng kasiglahan at pagkakataon para sa sarili.

 

Sinusuportahan ng Ika-14 Panlimahang Taong Plano ang Hong Kong sa pagpapataas ng katayuan bilang pandaigdigang sentro ng pananalapi, shipping at kalakalan. Dapat ding palakasin ang mga papel ng HKSAR bilang hub ng offshore RMB business ng buong mundo, sentro ng pamamahala sa pondo ng buong mundo, sentro ng pamamahala sa krisis at iba pa. Ang mga hakbanging ito ay makakatulong sa Hong Kong na gampanan ang mas malaking papel.

 

Kasabay nito, sinusuportahan din ng Ika-14 Panlimahang Taong Plano ang HKSAR na pataasin ang katayuan nito bilang hub ng pandaigdigang abiyasyon, sentro ng pandaigdigang inobasyon at siyensiya at teknolohiya, sentro ng kalakalan ng Intellectual Property sa rehiyong ito, sentro ng pagpapaunlad at pagpapalitan ng kultura at pag-arte ng Tsina at mga bansang dayuhan, at iba pa.

 

Ang mga hakbangin ng Ika-14 Panlimahang Taong Plano ay tiyak na magdudulot ng bagong puwersang tagapagpasulong para sa pag-unlad ng HKSAR.

 

CMG Komentaryo: Prospek ng Hong Kong sa hinaharap, maganda_fororder_微信图片_20210824151444_conew1

 

Salin:Sarah

Pulido:Mac

 

Please select the login method