CMG Komentaryo: mabigat na konsikuwensiya, dinaranas ng nangungunang bansang tagapagpakalat ng pekeng balita

2021-08-19 16:27:52  CMG
Share with:

CMG Komentaryo: mabigat na konsikuwensiya, dinaranas ng nangungunang bansang tagapagpakalat ng pekeng balita_fororder_20210819FakeNews

“Fake News!”— Ito ay isa sa mga katagang madalas gamitin ni dating Pangulong Donald Trump ng Amerika, pero sa ngayon, ang salitang ito ay isa nang tumpak na paglalarawan sa kasalukuyang kaganapan sa lipunang Amerikano.
 

Kasabay ng pagsiklab ng pandemiya ng Coronavirus Disease 2019 (COVID-19), malawakan ding kumakalat sa lipunang Amerikano ang mga pekeng balita.
 

Ikinukubli ng mga pekeng balita ang kaalamang siyentipiko at makatarungang diwa.
 

Ito ay katotohanang malinaw na nakalahad sa ulat na inilabas ng tatlong think tank ng China Global Television Network (CGTN) kamakailan. 
 

Ayon pa sa naturang ulat, ang Amerika ang nangungunang bansa sa daigdig na tagapagpakalat ng pekeng balita.
 

Sapul nang sumiklab ang pandemiya, kitang-kita ang pagbubulag-bulagan ng liderato ng White House sa babala ng iba’t ibang panig.
 

Sinayang din nito ang mahalagang oras na dapat sana ay ginamit upang kontrolin ang pagkalat ng virus sa Amerika.
 

Bukod dito, bihasa ang mga pulitikong Amerikano sa pagpapalaganap ng mga pekeng impormasyon na gaya ng “matinding trangkaso lamang ang mga sintomas,” “mawawala ang COVID-19 kasabay ng pagiging mainit ng panahon,” “maaaring gamiting lunas sa COVID-19 ang mga gamot na gaya ng hydroxychloroquine,” at iba pa.
 

Maraming Amerikano ang binawian ng buhay dahil sa paniniwala sa nasabing mga pekeng impormasyon.
 

Samantala, sa ngalan ng umano’y “kalayaan sa pamamahayag,” hinahayaan ng mga pangunahing kanluraning social media ang malawakang pagkalat ng mga pekeng balita.
 

Ayon sa datos na inilabas ng Cornell Alliance for Science ng Amerika, mula noong unang dako ng Enero hanggang huling dako ng Mayo 2020, mahigit 38 milyong artikulo hinggil sa pandemiya ng COVID-19 ang inilabas sa mga English media sa buong mundo, at kabilang dito, 1.1 milyon ay peke.
 

Ang nasabing mga artikulo ay mahigit 36 milyong beses ibinahagi sa iba’t-ibang social media, at kabilang dito, 3/4 ang ibinahagi sa Facebook.
 

Sa kasalukuyan, lampas na sa 37 milyon ang kabuuang bilang ng mga naitalang kumpirmadong kaso ng COVID-19 sa Amerika, at mahigit 620,000 ang pumanaw.
 

Kapuwa nangunguna sa daigdig ang nasabing dalawang datos.
 

Ipinakikita ng katotohanan na bigo ang kampanya  ng Amerika kontra sa pandemiya, at kasalukuyan nitong dinaranas ang mabigat na konsikuwensiya.
 

Salin: Vera
 

Pulido: Rhio

Please select the login method