Dumating na Agosto 23, 2021, sa Wattay International Airport sa Vientiane, Laos ang ikalawang batch ng bakuna kontra Coronavirus Disease 2019 (COVID-19) na ipinagkaloob ng Pepole’s Liberation Army (PLA) ng Tsina sa People's Army ng Laos.
Sa seremonya bilang pagsalubong, lubos na pinasalamatan ni Vongkham Phommakone, Pangalawang Ministro ng Tanggulang Bansa ng Laos ang tulong ng hukbong Tsino.
Aniya, ang suporta ng Tsina sa Laos ay lubos na nagpakita ng malalim na pagkakaibigan ng dalawang hukbo, komprehensibong estratehikong partnership at diwa ng pinagbabahaginang kapalaran ng dalawang bansa, at ito ay may mahalagang estratehikong papel para sa pagpapalalim ng pagkakaibigan at kooperasyon ng Tsina at Laos.
Kaugnay ng isyu ng pananaliksik sa pinagmulan ng coronavirus, binigyan-diin ng opisyal Lao na dapat igiit ang obdiyektibo, malinaw at bukas na diwang pansiyensiya. Tinututulan ng Laos ang pagsasapulitika ng pananaliksik ng pinagmulan ng coronavirus.
Samantala, ipinahayag ni Li Bing, Defense Attaché ng Chinese Embassy sa Laos, na aktuwal na isinasagawa ng PLA ang ideya ng pinagbabahaginang kalusugan ng buong sangkatauhan at aktibong sumasali sa pandaigdigang kooperasyon sa paglaban sa COVDI-19. Patuloy na magsisikap ang PLA, kasama ng People’s Army ng Laos, para labanan ang pandemiya ng COVID-19.
Salin:Sarah
Pulido:Mac