Tsina at Netherlands, umaasang magkakasamang magsisikap ang komunidad ng daigdig para sa kapayapaan at katatagan ng Afghanistan

2021-08-25 15:27:21  CMG
Share with:

Sa pag-usap sa telepono Agosto 24, 2021, nagpalitan sina Wang Yi, Kasangguni ng Estado at Ministrong Panlabas ng Tsina, at Dutch Foreign Minister Sigrid Kaag ng kuru-kuro kaugnay ng kalagayan ng Afghanistan.

 

Ipinahayag ni Wang na mayroong 3 komong palagay ang komunidad ng daigdig sa isyu ng Afghanistan: una, pagtatayo ng bukas at inklusibong estrukturang pulitikal; ikalawa, isagawa ang katamamang patakaran sa loob at labas ng bansa; ikatlo, lubusang humiwalay mula sa mga teroristikong grupo.

Tsina at Netherlands, umaasang magkakasamang magsisikap ang komunidad ng daigdig para sa kapayapaan at katatagan ng Afghanistan_fororder_07wangyi

Sinabi niya na sa kasalukuyan, dapat mabuting hawakan ang magulong kalagayan sa paliparan ng Kabul, at ipagkaloob ang kinakailangang pangkagipitang tulong sa Afghanistan, isagawa ang aktuwal na aksyon para tulungan ang Afghanistan na matupad ang matatag na transisyon.

 

Ipinahayag ni Wang na dapat magsikap ang iba’t ibang panig para rito at ito ay responsibilidad din na karapat-rapat na isakatuparan ng Amerika.

 

Kaugnay ng Europa, ipinahayag ni Wang na alam ng Tsina ang pagkabalisa ng mga bansang Europeo sa kalagayan ng Afghanistan, at inaasahang magbibigay ang Europa ng positibong papel para sa katatagan, kapayapaan at kaunlaran ng Afghanistan.

 

Pinapurihan ng Tsina ang tulong na ipinagkaloob ng Netherlands sa United Nations Afghan humanitarian fund.

 

Samantala, sinang-ayunan ni Kaag ang palagay ng Tsina sa kalagayan ng Afghanistan. Ipinahayag niya na dapat magkakasamang magsikap ang komunidad ng daigdig, para aktibong ipagkaloob ang tulong para sa mga mamamayan ng Afghanistan, pasulungin ang paglutas sa isyu ng Afghanistan, upang isakatuparan ang kapayapaan at katatagan ng rehiyong ito.

 

Salin:Sarah

Pulido:Mac

Please select the login method