Sa kanyang liham Agosto 24, 2021, kay Tedros Adhanom Ghebreyesus, Direktor Heneral ng World Health Organization (WHO), inulit ni Chen Xu, Pirmihang Kinatawang Tsino sa Geneva, ang paninindigan ng Tsina sa pananaliksik sa pinagmulan ng coronavirus.
Binigyan-diin ni Chen na ayon sa maliwanag na konklusyon ng ulat na magkakasamang ipinalabas ng Tsina at WHO, di-posible ang pagkalat ng virus mula sa Wuhan Institute of Virology.
Aniya, batay sa prinsipyo ng pagkakapantay-pantay at katarungan, kung igigiit ng mga kinauukulang departamento ang teorya ng lab-leak, nararapat ding isasagawa ang imbestigasyon sa Fort Detrick at University of North Carolina System ng Amerika.
Salin:Sarah
Pulido:Rhio