Tsina sa Amerika: itigil ang pagluluto ng mga katuwiran sa pagdungis at pag-atake sa Tsina

2021-08-24 16:11:03  CMG
Share with:

Ipinadala kamakailan ng mahigit 20 Asian-American groups sa Amerika ang magkakasanib na liham kay Pangulong Joe Biden ng Amerika kung saan nananawagan sila sa pamahalaang itigil ang “China Initiative” na isinasagawa ng Justice Department.

Sinabi nila na ang umano’y layon ng nasabing inisyatiba na imbestigahan at kasuhan ang trade secret theft at economic espionage activities, at sa katotohanan, gawin ang diskriminasyong panlahi, surveillance at maling prosekusyon sa mga Asian immigrants, partikular na mga Tsinong siyentista. Kaya, dapat itong suspendihin, anila.

Kaugnay nito, ipinahayag nitong Agosto 23, 2021 ni Tagapagsalita Wang Wenbin ng Ministring Panlabas ng Tsina, na dapat totohanang iwasto ng panig Amerikano ang mali nitong nagawa, itigil ang pagluluto ng mga katuwiran para sa pagdungis at pag-atake sa Tsina, at itigil ang paghadlang sa mga karaniwang pagpapalitan at pagtutulungang Sino-Amerikano sa mga larangang gaya ng siyensiya’t teknolohiya, at kultura.
 

Salin: Lito
Pulido: Mac

Please select the login method