Ayon sa ulat, ipinasiya nitong Agosto 25, 2021, ng pamahalaang Hapones at Tokyo Electric Power Company na gumawa ng tunnel sa ilalim ng dagat para doon padaluyin ang nuclear contaminated water ng Fukushima Daiichi nuclear power plant.
Kaugnay nito, hinimok kahapon Agosto 26, ni Wang Wenbin, Tagapagsalita ng Ministring Panlabas ng Tsina, ang Hapon na tumugon sa panawagan ng internasyonal na komunidad, mga kapitbansa, maging ang sarili nitong mamamayan. Umaasa ang Tsina na agad na babawiin ng Hapon and maling desisyon, ipatupad ang pandaigdigang obligasyon nito, at iwasang simulan ang pagtatapon ng kontaminadong tubig hangga’t hindi nararating ang pagsang-ayon ng lahat ng panig at maging ang mga organisasyong pandaigdig.
Bukod dito, ikinalulungkot ng Timog Korea ang unilateral na pagpapasulong ng Hapon ng plano ng pagtatapon ng nuclear wastewater ng walang pagsangguni sa Timog Korea.
Ipinahayag ng Timog Korea na responsibilidad ng Hapon ang pagsasagawa ng koordinasyon sa mga kapitbansa kaugnay ng isyung ito.
Salin:Sarah
Pulido:Mac