Sa kanyang talumpati sa pulong ng Komite Sentral ng Partido Komunista ng Tsina (CPC) tungkol sa gawaing etniko mula Agosto 27 hanggang 28, 2021, ipinagdiinan ni Pangulong Xi Jinping ng Tsina, na dapat tumpak na hawakan at komprehensibong ipatupad ang mahalagang kaisipan ng CPC sa pagpapalakas at pagpapabuti ng gawaing etniko ng bansa.
Sinabi ni Xi na dapat buong tatag na tahakin ang tumpak na landas sa paglutas ng mga isyung etniko sa paraang may katangiang Tsino; itayo ang komong sense of community para sa Nasyong Tsino; pasulungin ang pagpapalagayan, pagpapalitan, at pagkokoneksyon ng iba’t-ibang nasyonalidad; pabilisin ang hakbang ng konstruksyon ng modernisasyon ng mga etnikong lugar; pataasin ang lebel ng pangangasiwa sa mga suliraning etniko alinsunod sa batas; at pigilan at lutasin ang mga panganib at nakatagong problema sa mga suliraning etniko.
Ani Xi, layon ng mga ito na pasulungin ang de-kalidad na pag-unlad ng CPC sa gawaing etniko sa bagong siglo.
Salin: Lito
Pulido: Rhio