Ayon sa mga datos ng pinakahuling census na inilabas ngayong araw, Hunyo 14, 2021, ng lokal na pamahalaan ng Rehiyong Awtonomo ng Uygur ng Xinjiang ng Tsina, hanggang noong Oktubre ng nagdaang taon, umabot sa halos 15 milyon ang kabuuang populasyon ng iba't ibang etnikong minorya sa Xinjiang.
Kung ihahambing sa populasyon noong 10 taon ang nakararaan, ang bilang na ito ay mas malaki nang 1.86 milyon o 14.27%.
Ayon pa rin sa datos, mahigit sa 11.6 milyon ang populasyon ng mga Uygur sa Xinjiang, at ito ay katumbas ng 44.96% ng kabuuang populasyon sa rehiyong awtonomong ito.
Samantala, 10.9 milyon ang populasyon ng etnikong Han sa Xinjiang, na katumbas ng 42.24% ng kabuuang populasyon.
Editor: Liu Kai