Relasyong Sino-Malay, higit na pauunlarin

2021-08-31 17:16:17  CMG
Share with:

Sa kanyang mensahe na ipinaabot Agosto 31, 2021, kay Haring Sultan Abdullah Ahmad Shah ng Malaysia, kaugnay ng pagdiriwang ng ika-64 anibersaryo ng kasarinlan ng Malaysia, ipinahayag ni Pangulong Xi Jinping ng Tsina, na natamo ng Malaysia ang maraming bunga sa pagpapaunlad ng bansa, walang humpay na pinataas ang lebel ng pamumuhay ng mga mamamayan, at gumanap din ang bansa ng mas mahalagang papel sa mga suliraning pangrehiyon at pandaigdig.

Relasyong Sino-Malay, higit na pauunlarin_fororder_1127087188_16128771821791n_conew1

Ani Xi, ang Tsina at Malaysia ay magkaibigang kapitbansa. Nagtutulungan sa isa’t isa sa paglaban sa pandemiya ng COVID-19 at paghahanap ng kaunlaran ng lipunan, na nagbigay ng positibong ambag para sa katatagan at kasaganaan ng rehiyong ito.

 

Lubos na pinahahalagahan ng Tsina ang pag-unlad ng relasyon sa Malaysia. Nakahanda ang Tsina na patuloy na magsikap, kasama ng Malaysia, para lalo pang palalimin ang kooperasyon ng dalawang bansa sa paglaban sa COVID-19, magkasamang pagtatatag ng Belt and Road para maging plataporma sa lalo pang pag-unlad ng komprehensibong estratehikong partnership ng dalawang panig at magdulot ng mas malaking benepisyo para sa mga mamamayan ng dalawang bansa.

 

Salin:Sarah

Pulido:Mac

Please select the login method