Xi Jinping, ipinagdiinan ang pagpapaibayo ng pagsusuperbisa at pangangasiwa laban sa monopolyo at di-patas na kompetisyon

2021-08-31 12:21:45  CMG
Share with:

Ipinagdiinan nitong Lunes, Agosto 30, 2021 ni Pangulong Xi Jinping ng Tsina na dapat pasulungin ang pagbuo ng pamilihang may patas na kompetisyon, likhain ang malawak na espasyo para sa pag-unlad ng iba’t ibang uri ng entidad ng merkado, lalong lalo na, ng katamtaman at maliliit na kompanya, at mas mainam na pangalagaan ang karapatan at kapakanan ng mga mamimili.
 

Winika ito ni Xi sa pulong ng komite sentral para sa pagpapalalim ng reporma.
 

Diin din ni Xi, dapat pag-ibayuhin ang paglaban sa monopolyo, at patibayin ang mga natamong bunga sa pagpigil at pagsasaayos sa polusyon.
 

Salin: Vera
 

Pulido: Mac

Please select the login method