Sa umano'y “ulat” na ipinalabas kamakailan ng Amerika, muli na naman nitong pilit sinisiraan ang Tsina sa pagsasabing “hinahadlangan ng Tsina ang kaukulang imbestigasyong pandaigdig,” at hiniling pa nito sa komunidad ng daigdig na patawan ng “presyur na pulitikal” ang Tsina.
Sa totoo lang, ang totoong layon ng naturang aksyon ng Amerika ay magkalat ng “pulitikal na virus,” na grabeng nakakasira ng kooperasyong pandaigdig sa paglaban sa Corona Virus Disease 2019 (COVID-19) at pananalisik sa pinagmulan ng coronavirus.
Sa kabilang dako, sa pamamagitan ng liham kay Direktor Heneral Tedros Adhanom Ghebreyesus ng World Health Organization (WHO), ipinahayag ng mahigit 80 bansa ang mariing pagtutol sa pagsasapulitika ng pananaliksik sa pinagmulan ng coronavirus.
Bukod dito, inilahad ng mahigit 300 partido, organisasyon at Think Tank mula sa 100 bansa at rehiyon ang magkakasanib na pahayag sa Sekretaryat ng WHO bilang pagtutol sa pagsasapulitika ng pananaliksik sa pinagmulan ng coronavirus.
Ito ang totoong komong palagay ng komunidad ng daigdig.
Bigo ang Amerika sa paglaban sa COVID-19.
Higit pa riyan, ito ang bansang may pinakamaraming kaso ng COVID-19.
Kaugnay nito, noong Agosto 30, 2021, inilagay ng Unyong Europeo ang Amerika sa listahan ng mga lugar kung saan hindi ligtas na maglakbay dahil sa patuloy na paglaki ng bilang ng mga kumpirmadong kaso ng COVID-19 sa bansa.
Kitang-kita ng iba’t ibang bansa ng daigdig, na kinabibilangan ng mga kapanalig ng Amerika, na ang pagkakalat ng “pulitikal na virus” ay malubhang nakasira sa pandaigdigang laban sa COVID-19, at nagpapahiwatig sa pagwawalang-bahala ng Amerika sa buhay at kalusugan ng sangkatauhan.
Ang Amerika, na siyang walang dudang gumagawa ng pulitikal na pananaliksik sa pinagmulan ng virus ay siya ring pinakamalaking hadlang sa pandaigdigang laban sa COVID-19 at siyentipikong pananaliksik sa pinagmulan ng coronavirus.
Salin:Sarah
Pulido:Rhio