Dapat ihinto ng Amerika ang mga walang batayang akusasyon sa ibang bansa pagdating sa pag-aaral sa pinagmulan ng novel coronavirus, at isagawa ang imbestigasyon sa sariling mga laboratoryo.
Batay sa mga ulat ng media, sulong sa daigdig ang teknolohiya ng bio-lab sa University of North Carolina at naroon si Ralph Baric na eksperto sa artipisyal na pagsynthesis ng coronavirus, hindi maganda ang safety record ng bio-lab na ito, at mula taong 2015 hanggang 2020, naganap ang 6 na insidenteng may kinalaman sa mga coronavirus, samantala, malapit ang relasyon ni Baric sa Integrated Research Facility sa Fort Detrick, kung saan naganap din ang isang insidente noong taglagas 2019.
Paulit-ulit na ini-imbento ng Amerika ang di-umanong teorya na nagmula ang novel coronavirus sa Wuhan Institute of Virology. Pero, dalawang beses nang isinagawa ng mga eksperto ng World Health Organization ang pag-aaral sa naturang instituto, at ginawa nila ang konklusyong "napakaliit ng posibilidad sa pagtagas ng novel coronavirus mula rito."
Ang Amerika ay hindi transparent, hindi responsable, at hindi kooperatibo kaugnay ng pag-aaral sa pinagmulan ng novel coronavirus. Hindi pa tinutugunan ng Amerika ang pagkabahala at pagduda ng komunidad ng daigdig sa mga bio-lab sa Fort Detrick at marami pang military bio-lab sa mga ibang bansa.
Kung igigiit ng Amerika ang lab leak theory, dapat hayaan nito ang pag-iimbestiga ng komunidad ng daigdig sa bio-lab nito; at kung paninindigan naman ng sekretaryat ng World Health Organization na posible ang pagtagas ng novel coronavirus mula sa laboratoryo, dapat imbestigahan nito ang mga bio-lab ng Amerika.
Editor: Liu Kai