CMG Komentaryo: Komedya ng “presumption of guilt” ng intelligence agency ng Amerika, naging katatawanan ng buong mundo

2021-08-31 15:40:30  CMG
Share with:

Inilabas kamakailan ng intelligence agency ng Amerika ang umano’y ulat ng imbestigasyon sa pinagmulan ng coronavirus, kung saan walang eksaktong konklusyon, pero ibinaling sa Tsina ang pananagutan ng kawalan ng resulta ng imbestigasyon.
 

Isinapubliko rin ng White House ang pahayag na nagsasabing umano’y hinadlangan ng Tsina ang pandaigdigang imbestigasyon.

CMG Komentaryo: Komedya ng “presumption of guilt” ng intelligence agency ng Amerika, naging katatawanan ng buong mundo_fororder_20210831komentaryo

Ang ganitong maruming manipulasyon ng presumption of guilt at pagbaling ng pananagutan sa ibang panig ay nagpapatunay ng katotohanan na niluto ng intelligence agency ng Amerika ang pekeng ulat, at gumaganap bilang kasabwat na pulitikal.
 

Ang origin tracing ay siyentipikong pananaliksik, at ito ay dapat gawin ng mga siyentipiko at mananaliksik.
 

Samantala, napakasalimuot ng bawat origin tracing sa kasaysayan, at normal na tumagal ng mahabang panahon.
 

90-araw na taning lang ang ibinigay ng pamahalaang Amerikano sa intelligence agency para sa origin tracing investigation, at ito ay taliwas sa siyentipikong kalakaran.

CMG Komentaryo: Komedya ng “presumption of guilt” ng intelligence agency ng Amerika, naging katatawanan ng buong mundo_fororder_20210831komentaryo2

Bukod dito, kilalang kilala ang intelligence agency ng Amerika sa pagluluto ng kasinungalingan, panlilinlang at pagnanakaw, at madalas nitong ginagawa ang imbestigasyon sa ilalim ng inaakalang pagkakasala.
 

Walang anumang ebidensya ang kasalukuyang imbestigasyon ng intelligence agency ng Amerika sa pinanggalingan ng coronavirus, at muling pinaghalo nito ang laro ng “presumption of guilt” at tangkang pulitikal. Ang ganitong ulat na salungat sa siyentipikong kalakaran ay nagsilbing isa pang komedya lang.
 

Salin: Vera
 

Pulido: Mac

Please select the login method