Isang mensahe ang ipinadala nitong Agosto 30, 2021 ni Pangulong Xi Jinping ng Tsina kay International Olympic Committee (IOC) President Thomas Bach para ipaabot ang kanyang lubos na pakikidalamhati at taos-pusong pakikiramay sa pagyao ni dating IOC President Jacques Rogge.
Sinabi ni Xi na mabuting lider ng IOC si Jacques Rogge na nakapagbigay ng positibong pagsisikap para sa malusog na pag-unlad ng Usaping Pang-olimpiyada, partikular na sa pagtataguyod ng palakasan para sa mga kabataan.
Bunga nito, natamo niya ang lubos na papuri mula sa mga mamamayan ng iba’t-ibang bansa at sirkulong pampalakasan, ani Xi.
Diin pa ng pangulong Tsino, pinahahalagahan ng Tsina ang mahalagang papel na ginagampanan ng Usaping Pang-olimpiyada sa pag-unlad ng liupunan.
Nakahanda aniya ang Tsina na magsikap kasama ng IOC at komunidad ng daigdig upang makapagbigay ng bago at mas malaking ambag para sa pag-unlad ng pandaigdigang Usaping Pang-olimpiyada.
Salin: Lito
Pulido: Rhio