Sa kanyang pakikipag-usap sa telepono kahapon, Mayo 7, 2021, kay Presidente Thomas Bach ng International Olympic Committee (IOC), sinabi ni Pangulong Xi Jinping ng Tsina, na maayos na ginagawa ng Tsina ang iba't ibang paghahanda para sa Beijing 2022 Olympic at Paralympic Winter Games, at may kompiyansa ang bansa na matagumpay na idaraos ang mga palarong ito alinsunod sa iskedyul.
Binigyang-diin ni Xi, na matinding naaapektuhan ng pandemiya ng Coronavirus Disease 2019 (COVID-19) ang mga paligsahang pampalakasan na gaya ng Summer Olympic Games. Nakahanda aniya ang Tsina, kasama ng IOC, na palakasin ang kooperasyon sa aspekto ng bakuna, at buuin ang mabisang sistema ng proteksyon para sa mga atletang kalahok sa mga palaro.
Patuloy ring nakikipagkoordina ang Tsina sa IOC, para suportahan ang pagdaraos ng Tokyo Olympics, dagdag ni Xi.
Binigyan naman ni Bach ng positibong pagtasa ang mabisang pagkontrol ng Tsina sa epidemiya ng COVID-19, at pagpapasulong sa pagbangon ng kabuhayan.
Ipinahayag din niya ang lubos na pagsuporta sa pagtataguyod ng Tsina ng Beijing 2022 Olympic at Paralympic Winter Games. Tinututulan aniya niya ang pagsasapulitika ng Olympic Games.
Editor: Liu Kai
Pulido: Mac Ramos
Bakuna kontra COVID-19, ipagkakaloob ng Tsina sa mga atleta ng Olimpiyada
Gawaing preparatoryo ng Beijing Paralympic Winter Games, handang handa na
Presidente ng IOC: paghahanda sa Beijing Olympic Winter Games, kagila-gilalas
Presidente ng IOC, pinasalamatan ang CMG sa pagsuporta sa usapin ng Olimpiyada