Tsina, maaaring ipagmalaki ang mga atletang kasali sa Tokyo Olympic Games - Bach, Presidente ng IOC

2021-07-30 16:01:25  CMG
Share with:

Tsina, maaaring ipagmalaki ang mga atletang kasali sa Tokyo Olympic Games - Bach, Presidente ng IOC_fororder_20210730IOC

Sa kanyang eksklusibong panayam sa China Media Group (CMG), sinabi nitong Huwebes, Hulyo 29, 2021 ni Thomas Bach, Presidente ng International Olympic Committee (IOC), ang diwa ng Olimpiyada ay tunay na ipinamamalas ng mga atletang Tsino na kasali sa Tokyo Olympic Games, at maaaring ipagmalaki ng Tsina ang  kani-kanilang tagumpay.
 

Saad ni Bach, napabilib siya nakitang malaking pag-unlad na natamo ng mga atletang Tsino sa iba’t ibang paligsahang pampalakasan, at saksi rin ang daigdig sa mabilis na pag-unlad ng Tsina.
 

Nananalig aniya siyang sa gaganaping Beijing Olympic Winter Games, ang mga mamamayang Tsino ay lilikha ng pambihirang alaala para sa buong mundo.
 

Pinasalamatan din niya ang ibinigay na suporta ng CMG sa Olimpiyada nitong nakalipas na mahabang panahon.
 

Aniya, ang Beijing 2022 Winter Olympic Games ay magsisilbing isa pang mahalagang milestone sa kooperasyon ng IOC at CMG.
 

Salin: Vera
 

Pulido: Mac

Please select the login method