Sa kanyang talumpati nitong Setyembre 1, 2021 sa pagbubukas ng isang sesyon ng pagsasanay ng mga batang opisyal sa Paaralan ng Partido ng Komite Sentral ng Partido Komunista ng Tsina (CPC), ipinahayag ni Xi Jinping, Pinakamataas na Lider ng Tsina, na ang paggigiit ng prinsipyo ay mahalagang karakter ng mga miyembro ng CPC.
Ani Xi, hindi dapat yumukod ang mga miyembro CPC sa mga isyung may kaugnayan sa prinsipyo, upang sila ay hindi maging iresponsable sa partido at mga mamamayan, at hindi maging krimen ang kanilang mga aksyon.
Hinikayat din ng pangulong Tsino ang mga batang opisyal na pangalagaan ang soberanya, kaligtasan, at kapakanang pangkaunlaran ng bansa sa pamamagitan ng walang-katulad na determinasyon at kalidad.
Salin: Lito
Pulido: Rhio