CMG Komentaryo: Mga mamamayan, pinakamahalaga para sa CPC

2021-08-27 18:04:32  CMG
Share with:

Ano ang pinakamahalaga para sa pag-unlad at tagumpay ng 100-taong gulang na Partido Komunista ng Tsina (CPC)?

 

Ang dokumentong pinamagatang "CPC: Misyon at mga Ambag nito," na inilabas kahapon, Agosto 26, 2021, ay nagbigay ng malinaw na sagot sa tanong ito, at ito ay "ang mga mamamayan."

 

Isinalaysay ng dokumentong ito ang 100-taong kasaysayan ng CPC, at relasyon ng partidong ito at mga mamamayang Tsino.

 

Ayon sa dokumento, nabuo ang CPC sa gitna ng paglaban ng mga mamamayang Tsino sa paghaharing piyudal at pananalakay mula sa labas ng bansa.

 

Laging pinahahalagahan ng CPC ang papel ng mga mamamayan, at iginigiit nito ang palagay na "lumilikha ng kasaysayan ang mga mamamayan."

 

Tuluy-tuloy ding ipinapatupad ng CPC ang prinsipyong "gawin ang mga bagay na makakabuti sa mga mamamayan, at tutulan ang mga bagay na di-makakabuti sa mga mamamayan."

 

Ang lahat ng mga ito ay nagpapakita ng ideyang "mula sa mga tao, likha ng mga tao, at para sa mga tao," at nagpapatunay na pinakamahalaga ang mga mamamayan para sa CPC.

 

Editor: Liu Kai
Pulido: Mac Ramos

Please select the login method