Kabuuang halaga ng pagluluwas ng produktong kultural ng Tsina noong 2020, nangunguna sa daigdig

2021-09-06 15:00:47  CMG
Share with:

Ayon sa datos ng Ministri ng Komersyo ng Tsina, umabot sa $USD144.3 bilyon ang kabuuang halaga ng pag-aangkat at pagluluwas ng produkto’t serbisyong kultural ng bansa noong 2020.
 

Tuluy-tuloy itong nangunguna sa buong mundo nitong nakalipas na ilang taon.
 

Samantala, walang humpay na pinag-iibayo ng Tsina ang suporta sa konstruksyon ng mga pambansang base ng pagluluwas na kultural, ayon pa sa datos
 

Hanggang sa kasalukuyan, may 29 na base ng pagluluwas na kultural sa buong bansa.
 

Anang datos, sa susunod na yugto, bubuuin ng bansa ang mekanismo ng regular na negosasyon hinggil sa kontruksyon ng ganitong base, para patingkarin ang namumunong papel nito.
 

Salin: Vera
 

Pulido: Rhio

Please select the login method