Bagong satellite para sa obserbasyon ng Mundo, inilunsad ng Tsina

2021-09-07 15:16:48  CMG
Share with:

Bagong satellite para sa obserbasyon ng Mundo, inilunsad ng Tsina_fororder_20210907satellite

Taiyuan Satellite Launch Center, Lalawigang Shanxi ng Tsina—Sakay ng Long March-4C rocket, matagumpay na inilunsad nitong Martes, Setyembre 7, 2021 ng Tsina ang isang bagong hyperspectral observation satellite na Gaofen-5 02.
 

Komprehensibong patataasin ng nasabing satellite ang kakayahan ng bansa sa hyperspectral observation sa aerosphere, tubig at lupa, at tutugunan ang pangkagipitang pangangailangan ng Tsina sa komprehensibong pagmomonitor sa kapaligiran.
 

Ito ang ika-387 beses na paglipad ng Long March carrier rocket series.
 

Salin: Vera
 

Pulido: Mac

Please select the login method