Sinimulan nitong Lunes, Setyembre 6, 2021 sa Lalawigang Henan ng Tsina ang pandaigdigang peacekeeping drill na may code name na “Shared Destiny-2021.”
Kasali rito ang mga opisyal at sundalo mula sa Tsina, Mongolia, Pakistan, at Thailand.
Ito ang kauna-unahang multi-national live drill na iniorganisa ng tropang Tsino.
Ang nasabing pagsasanay ay itinaguyod bilang tugon sa "Action for Peacekeeping" initiative ng United Nations.
Layon nitong pasulungin ang pragmatikong kooperasyon sa mga bansang nagpapadala ng tropang pamayapa, at magkasamang pataasin ang kakayahan ng mga peacekeeping standby forces sa pagpapatupad ng misyon.
Salin: Vera
Pulido: Mac