Itinatag kahapon, Setyembre 6, 2021 ng Tsina ang International Research Center of Big Data for Sustainable Development Goals (SDGs) sa Beijing.
Ito ang kauna-unahang pandaigdigang sentro ng siyentipikong pananaliksik sa daigdig na naglilingkod sa 2030 Agenda for Sustainable Development ng United Nations (UN), sa pamamagitan ng big data.
Ang nasabing agenda ng UN ay isang dokumentong pinagtibay ng 193 kasaping bansa ng UN sa Ika-70 Pangkalahatang Asambleya ng UN.
Kabilang sa nasabing dokumento ang 17 SDGs at 169 na konkretong core target para sa kapayapaan at kasaganaan.
Itatatag ng sentrong ito ang sistema ng plataporma ng big data ng sustenableng pag-unlad, isasagawa ang pagmomonitor at pagtasa sa mga indeks ng SDGs, idedebelop at patatakbuin ang isang serye ng scientific satellite na may kinalaman sa sustenableng pag-unlad, bubuuin ang think tank ng pagpapasulong ng siyensiya’t teknolohiya at inobasyon sa sustenableng pag-unlad, at ipagkakaloob ang edukasyon at pagsasanay para sa mga umuunlad na bansa.
Salin: Vera
Pulido: Mac