Ayon sa Kagawaran ng Kalusugan ng Pilipinas, pumalo sa 22,415 ang karagdagang bilang ng kumpirmadong kaso ng Corona Virus Disease 2019 (COVID-19) nitong Setyembre 6, 2021 na naging bagong rekord sapul nang sumiklab ang pandemiyang ito.
Kasalukuyang lumampas na sa 2.1 milyon ang bilang ng kumpirmadong kaso, at mahigit 34 na libo ang kabuuang bilang ng mga namatay sa Pilipinas.
Ipinaalam nang araw ring iyon ni Presidential Spokesperson Harry Roque na mula Setyembre 8, isasagawa sa mga komunidad sa Metro Manila ang mas maluwag at naaangkop na hakbangin ng pagpigil at pagkontrol sa pandemiya. Isasapubliko ang kongkretong detalye sa malapit na hinaharap, aniya.
Salin: Lito
Pulido: Mac