Sinabi Setyembre 5, 2021, ni Jeffrey D. Sachs, Tagapangulo ng Komisyon ng COVID-19 ng Lancet, na mali ang reaksyon ng buong mundo sa pagharap ng pandemiya ng Corona Virus Disease 2019 (COVID-19).
Aniya, ang isa sa mga dahilan nito ay hindi nakipagtulungan ang Amerika sa Tsina para hanapin ang solusyon. Dapat matuto ang Amerika na makipagkooperasyon sa Tsina, sa halip na ipilit ang sariling palagay sa Tsina.
Kaugnay nito, ipinahayag Setyembre 6, 2021, ni Wang Wenbin, Tagapagsalita ng Ministring Panlabas ng Tsina, na sa kasalukuyan, kumakalat pa rin ang bagong wave na pandemiya COVID-19 sa buong mundo.
Ani Wang, umaasa ang Tsina na mataimtim na pakikinggan ng Amerika ang obdyektibo at makatwirang boses ng komunidad ng daigdig. Dapat magkaisa ang buong daigdig sa halip na labanan ang isa’t isa, dapat isakatuparan ang responsibilidad sa halip na ipasa sa iba, dapat gamitin ang pansiyensiyang paraan sa halip ng pagsasapulitika.
Para sa iba’t ibang bansa ng daigdig, dapat magsilbi silang taga-suporta ng pandaigdigang kooperasyon sa paglaban sa COVID-19 at pananaliksik sa pinagmulan ng coronavirus, sa halip ng taga-sira, saad ni Wang.
Salin:Sarah
Pulido:Mac