Niluto kamakailan ng ahensiya ng intelehensiya ng Amerika ang umano’y ulat ng imbestigasyon sa pinanggalingan ng coronavirus, kung saan siniraang-puri ang Tsina sa paghadlang sa pagdaigdigang pagsisiyasat.
Kapansin-pansin para sa buong mundo ang bukas, maliwanag, siyentipiko, at kooperatibong pakikitungo ng panig Tsino sa isyu ng coronavirus origin tracing.
Pero sa kabilang banda naman, nanggipit ang ilang pulitikong Amerikano sa World Health Organization (WHO), nanikil sa mga siyentipikong may makatarungang pananalita, tikis na isinagawa ang manipulasyong pulitikal, samantalang sinarhan ang sariling pinto para sa pagsisiyasat sa pinagmulan ng virus.
Sino ang humahadlang sa pandaigdigang pagsisigasig sa coronavirus origin tracing? Naging napakalinaw ang sagot.
Sa pamamagitan ng mga paraang gaya ng pagpapadala ng liham sa Direktor Heneral ng World Health Organization (WHO), pagpapalabas ng pahayag at kalatas, tinutulan kamakailan ng mahigit 80 bansa ang pagsasapulitika ng isyu ng origin tracing, at hiniling ang pagpapanatili ng konklusyon sa unang yugto ng pagsisiyasat sa pinagmulan ng coronavirus.
Iresponsable at di-kooperatibo ang atityud ng Amerika, sa origin tracing ng virus man, o sa paglaban sa pandemiya, bagay na nagpapakita ng kasakiman ng hegemonismong Amerikano.
Sa pamamagitan ng paninirang-puri nito sa Tsina, mauunawaan lamang ng daigdig na ang Amerika ay pinakamalaking hadlang sa origin tracing at pandaigdigang pagsisikap laban sa pandemiya.
Salin: Vera
Pulido: Mac