Pagsasapulitika ng Amerika sa coronavirus origin tracing, makakasira lamang sa komong pagsisigasig ng daigdig laban sa pandemiya

2021-09-01 13:23:32  CMG
Share with:

Kaugnay ng umano’y ulat ng mga ahensiya ng intelihensiya ng Amerika hinggil sa pinanggalingan ng coronavirus, tinukoy Martes, Agosto 31, 2021 ni Tagapagsalita Wang Wenbin ng Ministring Panlabas ng Tsina na ang nasabing ulat ay isang pekeng ulat-pulitikal, kung saan ibinabaling ang pananagutan sa ibang panig.
 

Saad ni Wang, sa halip na pagbatikos sa ibang bansa, dapat bigyang-pansin ng Amerika ang sariling pagsisikap laban sa pandemiya, at aktibong pangalagaan ang pandaigdigang kooperasyon.
 

Diin niya, sa mula’t mula pa’y ipinalalagay ng panig Tsino na ang coronavirus origin tracing ay isang masalimuot na isyung siyentipiko, at dapat itong siyasatin sa pamamagitan ng kooperasyon ng mga siyentista ng buong mundo.
 

Aniya, ang pagsasapulitika ng panig Amerikano ng isyu ng origin tracing ay makakalason lamang sa atmospera ng kooperasyong pandaigdig sa paghahanap ng pinagmulan ng virus, at makakasira sa komong pagsisigasig ng buong mundo laban sa pandemiya.
 

Tiyak na walang lunas ang ganitong aksyon ng Amerika, dagdag niya.
 

Salin: Vera
 

Pulido: Rhio

Please select the login method