Pangmatagalang kapayapaan, kasaganaan at kaunlaran ng Afghanistan, hangad ng Taliban

2021-09-08 16:32:18  CMG
Share with:

Pangmatagalang kapayapaan, kasaganaan at kaunlaran, ito ang pangako ng bagong pansamantalang pamahalaan ng Taliban sa Afghanistan, ayon sa pahayag nitong  Setyembre 7, 2021, ni Zabihullah Mujahid, Tagapagsalita ng Afghan Taliban makaraang isapubliko ang balita ng pagbubuo ng bagong pamahalaan.

Pangmatagalang kapayapaan, kasaganaan at kaunlaran ng Afghanistan, hangad ng Taliban_fororder_03taliban

Ipinatalastas din ni Mujahid, na si Haibatullah Akhundzada, ang pinakamataas na lider ng bansa, bilang Emir.

 

Sinabi din sa pahayag na nakahanda ang Afghanistan na paunlarin ang matatag at malusog na relasyon sa mga kapitbansa at iba pang mga bansa sa buong daigdig. Hindi nito pahihintulutan ang paggamit ng anumang tauhan o organisasyon ng Afghanistan upang maging banta sa seguridad ng ibang bansa.

 

Ayon pa sa pahayag, magsisikap ang Afghanistan para igarantiya ang kaligtasan ng lahat ng delegasyong dayuhan, makataong organisasyon, at mga mamumuhunan ng iba’t ibang bansa.

 

Salin:Sarah

Pulido:Mac

 

Please select the login method