Bagong pamahalaan ng Afghanistan, bubuuin ng Taliban sa lalong madaling panahon

2021-09-06 14:57:39  CMG
Share with:

Ayon sa Tolo News ng Afghanistan, Linggo, Setyembre 5, 2021, sinabi nang araw ring iyon ni Anaamullah Samangani, Miyembro ng Komisyong Kultural ng Afghan Taliban, na umalis na sa Afghansitan ang mga tropang dayuhan, at wala nang hadlang sa landas ng pagbuo ng bagong pamahalaan, kaya bubuuin ng Afghan Taliban ang bagong pamahalaan sa malapit na hinaharap.
 

Bagamat hindi siya nagsiwalat ng detalye hinggil sa estruktura at katangian ng bubuuing pamahalaan, sinabi niyang ito’y magiging inklusibo at kakatawan sa lahat ng mga mamamayang Afghan.
 

Ayon pa sa Tolo TV, pinanumbalik na nitong Sabado ng Ariana Afghan Airlines ang mga domestikong lipad mula Kabul patungong Mazar-e-Sharif at Kandahar.
 

Salin: Vera
 

Pulido: Rhio

Please select the login method