Tsina at Italya, lalo pang palalakasin ang kooperasyon sa iba't ibang larangan

2021-09-08 16:33:43  CMG
Share with:

Sa kanyang pakikipag-usap sa telepono Setyembre 7, 2021, kay Mario Draghi, Punong Ministro ng Italya, tinukoy ni Pangulong Xi Jinping ng Tsina na sa pamamagitan ng pagkakataon ng “Belt and Road Initiative (BRI)”,  dapat magkakasamang magsikap ang Tsina at Italya, para pasulungin ang malalim na aktuwal na kooperasyon ng dalawang bansa sa iba’t ibang larangan.

Tsina at Italya, lalo pang palalakasin ang kooperasyon sa iba't ibang larangan_fororder_04pangulongxi

Aniya, dapat magkasamang tiyakin ng Tsina at Italya ang tagumpay ng Taon ng Kultura at Turismo ng Tsina at Italya sa 2022. Buong tatag na susuportahan ng isa’t isa ang Beijing Winter Olympic Games at 2026 Milan-Cortina Winter Olympic Games, para lalo pang palakasin ang kooperasyon ng dalawang bansa sa winter sports at may kinalamang industriya.

 

Samantala, ipinahayag ni Mario Draghi na mainam ang pag-unlad ng relasyon ng Tsina at Italya.  Lubos na pinahahalagahan din ng Italya ang importanteng papel ng Tsina sa isyu ng Afghanistan at umaasang lalo pang pahihigpitin ang pakikipagkooperasyon sa Tsina sa ilalim ng multilateral frameworks na tulad ng G20.

 

Salin:Sarah

Pulido:Mac

 

Please select the login method