Agenda ng Pulong ng mga Ministrong Pangkalusugan ng G20, isinapubliko ng Italya

2021-09-05 06:17:55  CMG
Share with:

Nitong Setyembre 4 (local time), 2021, isinapubliko ng Italya, kasalukuyang bansang tagapangulo ng G20, ang agenda ng Pulong ng mga Ministrong Pangkalusugan ng G20 na gaganapin sa Rome mula Setyembre 5 hanggang 6.

May 3 bahagi ng nasabing pulong. Sa unang bahagi, tatalakayin sa pulong ng mga kalahok ang epektong dulot ng pandemiya ng Corona Virus Disease 2019 (COVID-19) sa pagsasakatuparan ng 2030 Sustainable Development Goal. Sa ikalawang bahagi, ipagkakaloob ng pulong ang kongkretong patnubay tungkol sa mga hakbanging dapat isagawa sa pagharap sa pandemiya. Sa huling bahagi, susuriin sa pulong ang mga paraan para mabisang mapigilan at makontrol ang pagkalat ng pandemiya.


Salin: Lito

Please select the login method