Matapos ang halos 10 taong paghahanda, tinalakay at pinagtibay ng Pirmihang Lupon ng Pambansang Kongresong Bayan (NPC) ng Tsina ang mosyon ng Konseho ng Estado tungkol sa pagtatag ng Rehiyong Awtonomo ng Tibet.
Dahil dito, pormal na binuo, Setyembre 9, 1965 ang Rehiyong Awtonomo ng Tibet.
Mula Setyembre 1 hanggang 9, 1965, idinaos sa lunsod Lhasa, kabisera ng nasabing rehiyon ang unang Kongresong Bayan kung kalian naihalal si Ngapoi Ngawang Jigme bilang Tagapangulo ng People's Committee ng Rehiyong Awtonomo ng Tibet.
Ayon pa sa white paper hinggil sa mapayapang liberasyon at masaganang pag-unlad ng Tibet na inilabas nitong Mayo 21, 2021 ng Tanggapan ng Impormasyon ng Konseho ng Estado ng Tsina, noong ika-23 ng Mayo, 1951, nilagdaan ng pamahalaang sentral ng Tsina at pamahalaang lokal ng Tibet ang kasunduan hinggil sa paraan ng mapayapang pagpapalaya ng Tibet, bagay na nagdeklara ng naturang plano. Mula noon, naging ligtas ang mga mamamayang Tibetano sa pananalakay ng imperialismo, at tumatahak, kasama ng mga mamamayan ng iba’t ibang nasyonalidad ng bansa, sa landas ng pagkakaisa, pagkamit ng progreso at pag-unlad.
Tinukoy ng white paper na pagpasok sa bagong panahon, sa ilalim ng matibay na pamumuno ng Komite Sentral ng Partido Komunista ng Tsina (CPC) at puspusang pagsuporta ng mga mamamayan ng buong bansa, natamo ng Tibet ang komprehensibong tagumpay sa pagpawi sa karalitaan. Nagiging mas matatag ang pangkalahatang kalagayang panlipunan, mas masagana ang kabuhaya’t kultura, mas maganda ang kapaligirang ekolohikal, at mas maligaya ang pamumuhay ng mga mamamayan.
Anang white paper, sa patnubay ng kaisipan ng sosyalismong may katangiang Tsino sa bagong panahon, tiyak na magiging mas maluningning ang kinabukasan ng Tibet, at magiging mas maligaya rin ang pamumuhay ng mga Tibetano.
Mga caption:
Matapos ang demokratikong reporma noong 1965, umusbong ang unang henerasyon ng mga manggagawa sa Tibet. Makikita sa larawan ang mga babaeng anluwagi sa Lhasa.
Bakas na bakas ang ligaya ng mga aliping napalaya sa Lhasa, taong 1965.
Matapos ang demokratikong reporma noong 1965, muling nagkasama sa lunsod Lhasa ang napalayang alipin at kanyang anak.
Matapos ang demokratikong reporma sa Tibet noong 1965, ini-organisa ng mga napalayang alipin ang mga mutual aid group. Makikita sa larawang ito ang pagsasaka ng mga miyembro ng isang grupo.
Mga young pioneer sa Tibet, taong 1965.
Noong taong 1965, ipinagdiwang sa bayang Duilongdeqing, Lhasa, ang pagtatayo ng people's commune sa lokalidad.
Idinaos Agosto 25, 1965, ang seremonya ng pagsasa-operasyon ng Tulay ng Lhasa na nag-uugnay sa lansangang mula Qinghai hanggang Tibet, at lansangang mula Sichuan hanggang Tibet.
Naglalaro sa paligid ng Potala Palace ang mga mag-aaral ng No.1 Primary School sa Lhasa, dekada 60.
Matapos mapalaya sa pagka-alipin dahil sa demokratikong reporma sa Tibet noong 1965, si Bai Ma (kanan) ay naging isang film projectionist.
Salin: Lito
Pulido: Rhio